Tagalog news: Mga ari-ariang hindi natitinag sa El Nido, Palawan isusubasta ng pamahalaang panlalawigan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Okt. 10 (PIA) — Isusubasta na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang mga ari-ariang di natitinag sa Bayan ng El Nido, bago matapos ang Oktubre 2016.

Ayon kay Ingat Yaman ng Palawan Elino Mondragon, nakatakda sa Oktubre 28, 2016 sa ganap na ika-10 ng umaga sa Municipal Hall ng EL Nido isasagawa ang pagsusubasta ng mga ari-ariang di natitinag ng nasabing bayan.

Ani Mondrago, ang mga ari-ariang di natitinag na kanilang isusubasta ay ang mga delingkwente na o itong mga ari-arian tulad ng mga lupain na matagal ng panahon na hindi nababayaran ang buwis.

Dagdag pa nito na inilabas na nila ang listahan o talaan ng mga ari-arian upang malaman ng mga mamamayan na interesado at nais maki-isa bilang bidder sa araw ng subasta.

Pinayuhan ni Mondragon ang mga interesado na magtungo sa kanilang tanggapan sa gusaling kapitolyo upang magparehistro mula sa ika-3 hanggang ika-14 ng Oktubre, 2016 sa ganap na alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon tuwing araw ng Martes, Miyerkules at Biyernes.

Dagdag pa niya na kinakailangang magbayad ang mga interesadong bidders ng mga sumusunod: Registration fee : P1,000.00 (non-refundable) Request for occular Inspection : P1,000 Processing Fee : P500.

Aniya, kung may mga karagdagang katanungan ay maaring magtungo o magsadya sa tanggapan ng ingat-yaman ng munisipyo o Municipal Treasurer ng El Nido, Palawan o sa Provincial Treasurers Office sa kapitolyo.

Nanawagan din si Mondragon sa lahat ng mga nagmamay-ari ng lupaing kasama sa talaan ng subasta na kung maaari ay bayaran ang kanilang obligasyon upang hindi maisama sa subasta ang kanilang ari-arian.

Subalit dapat silang magtungo sa lugar kung saan gaganapin ang pagsusubasta at dapat na makapag bayad bago pa man magsimula ang subasta. (PIO/OCJ-PIA, Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s