Tagalog news: Supplemental budget para sa Special Education Fund, inaprubahan na

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 7 (PIA) – Inaprubahan kamakailan ni Mayor Arnan C. Panaligan ang inihaing panukala ng konseho para sa P6.64 million na 2016 Special Education Fund Supplemental Budget #1 sa isang pagpupulong na ginanap ng City School Board.

Sa mosyon ni Marilyn Evora-Manigbas, Human Resource Development Practitioner at secretary ng City School Board, pinagtibay ang nabanggit na appropriations na pinangalawahan ni Calapan East District Supervisor Nicanor Alcañices ng Department of Education (DepEd)-Division ng lungsod ng Calapan.

Samantala, ang panukala na inihanda ni City Budget Chief Lorietta Galicia ay naglalaman ng Repair & Maintenance ng School Buildings at Facilities; konstruksyon ng Multi-Purpose Covered Court Phase II sa Canubing National High School; Upgrading ng Electrical Facilities ng Calapan Central School; pagpapagawa ng bakod ng Ciriaco Abes Memorial School; at pambili ng mga kagamitan para sa Classroom Extension ng N. Aboboto Memorial School.

Kaugnay nito, pinag-usapan din ang pagsali ng apat na pangunahing civil society organizations na pang-edukasyon bilang regular members ng Calapan City School Board. Dito ay iminungkahi ng alkalde na magkaroon muna ang mga ito ng representasyon sa Sangguniang Panlungsod para sa legalidad ng kanilang akreditasyon.

Ang mga grupo o organisasyon na isasali bilang myembro ng School Board ay ang Calapan City Public School Teachers and Employees Association (CALCIPSTEA), National Association of Public School Principals and Head Teachers (NAPPSSHI)- elementary & secondary, Federation of Parents, Teachers & Community Association (FPTCA) at Department of Education Employees’ Association.

Samantala, para sa selebrasyon ng World Teachers Day ngayon, napagkaisahan ng lahat, sa pangunguna ni Mayor Panaligan na gawing isang natatanging Lingkod-Barangay para sa mga guro ang okasyon bilang pagpapadama ng kalinga at pasasalamat sa kanilang pagsasakripisyo para sa mga mag-aaral. Dito’y magbibigay ng medikal at dental, legal, civil registry at agricultural services sa mga guro, kasama na ang massage therapy na kailangan din ng mga guro upang mabawasan ang stress. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s