Tagalog News: Oplan Greyhound, ikinasa ng BJMP, CIDG at RPPSC sa Odiongan District Jail

ODIONGAN, Romblon, Oktubre 6 (PIA) — Ikinasa kamakailan ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Romblon Provincial Public Safety Company (RPPSC) ang Oplan Greyhound sa loob ng Odiongan District Jail.

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng BJMP, CIDG at RPPSC ang samu’t saring kontrabando gaya ng mga patalim, blade, lighters, mga sinirang 10 pisong barya at iba pang kagamitan na ipinagbabawal sa loob ng nasabing kulungan.

Ang paghalughog sa mga selda ng naturang piitan ay bilang pagtalima sa mahigpit na pagpapatupad ng OPLAN RODY bilang suporta sa giyera laban sa bawal na gamot.

Kaakibat ng laban ni President Rodrigo Duterte sa illegal drugs, layunin ng Oplan RODY na alisin ang mga tauhan ng BJMP na sangkot sa mga gawaing may kinalaman sa bawal na droga at corruption sa loob ng mga kulungan.

Ito rin ay naglalayong mapigilan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot at iba pang uri ng kontrabando sa loob ng piitan upang matiyak na ligtas ang mga tauhan ng BJMP, mga dumadalaw sa bilanggo at maging ang mga residenteng nakatira malapit sa lugar.

Kasama sa Oplan Rody ang pagbuwag sa gangs, pagbabawas ng mga preso at pagdisiplina sa jail personnel at inmates.

Ayon kay J/SInsp. Jorge Allan D’May Y. Soriano, sa kasalukuyan ang Odiongan District Jail ay mayroong 184 inmates at tiniyak nito na regular silang magsasagawa ng mga ganitong operasyon para mapanatili ang kaayusan sa loob ng kanilang pasilidad.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s