Puerto Princesa International Airport, mahigit 82 porsiyento nang tapos

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Oktubre 6 (PIA) — Tiniyak ng Department of Transportation & Communication (DOTC) na maihahabol sa unang kuwarter ng taong 2017 ang pagbubukas ng bagong Puerto Princesa International Airport (PPIA).

Tinuran ni Gil Pamatmat, Airport Development Project Manager, na nasa 82.9 percent na ang nakukumpleto sa kabuoang pasilidad ng paliparan. “Bagamat nagkaroon ng kaunting pagkaantala sa ilan pang mga pasilidad dahil sa procurement process, pero sa January 2017, mabubuksan na ang terminal,” ani Pamatmat.

Samantalang maihahabol naman aniya sa Marso ng susunod na taon ang pagbubukas ng pinalawak na paliparan. Aminado si Pamatmat na bahagya ring naapektuhan ang kanilang mga kontraktor sa problema ng mapagkukunan ng buhangin at graba sa lungsod at maging sa Palawan, pero unti-unti naman aniya itong natutugunan.

May buhangin at graba na ginagamit sa konstruksyon ng mga pasilidad ng PPIA na nanggagaling pa sa labas ng lalawigan partikular na sa Ilo-Ilo. Kamakailan ay pinagbigyan ng city government ang hiling ng DOTC na mabigyan ng konsiderasyon ang proyektong paliparan at payagang makakuha ng kinakailangang graba sa quarry site sa Barangay Sta. Lourdes.

Planong mabuksan ang buong paliparan sa Enero 2017 ngunit maantala ito dahil sa hindi pa tapos na problema sa mga informal settlers. Gayon paman, ayon kay Pamatmat, nagpapatuloy ang demolisyon sa lugar.

Ang proyektong pagpapalawak ay naglalayong maiangat sa mas mataas na lebel ang kalidad ng serbisyo ng paliparan upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga pasahero at pangarga. Pag natapos ang bagong paliparan, inaasahan na makakapagsilbi ito sa may tinatayang 2 milyong manlalakbay, at makatatanggap na ng mas maraming international flights. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s