Groundbreaking ceremony sa Balayong Park ng Puerto Princesa, isinagawa

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Oktubre 6 (PIA) — Nagsagawa kamakailan ng groundbreaking ang proyektong Balayong Park na katatampukan ng opisyal na bulaklak ng Lunsod ng Puerto Princesa – ang Balayong o Palawan Cherry.

Ito ay kasunod ng inihayag na hangarin noon ng Pamahalaang Lungsod na magkaroon ng dagdag na destinasyon ng mga turista, partikular na ang parke na katatampukan ng mga punong Balayong.

Kasama ni Mayor Lucilo Bayron ang mga konsehal ng lungsod at bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Tiniguiban nang isagawa ang seremonya sa 5.8 na ektaryang lugar na paglalagyan ng parke.

Nakuha ang inspirasyon ng planong Balayong Park sa dinarayong Sakura Trees ng bansang Japan.

Sa naging pahayag ni Bayron, tinuran niyang huhukayin ang mga malalaki at namumulaklak nang puno ng Balayong na siyang itatanim sa parke.

Magiging tampok din dito ang kakaibang seremonya ng kasalan na ang lugar ay mapapaligiran ng mga bulaklak ng Balayong.

Samantala, ang Balayong Park ay isa lamang sa mga atraksyon na pinaplano ng siyudad upang lalo pang makapagpalakas ng turismo.

Plano rin ng Pamahalaang Lungsod na magkaroon ng ‘adapt-a-tree’ sa bawat puno ng Balayong na itatanim sa parke. Sino mang nagnanais na mapasa-ilalim sa kaniyang pangalan ang puno, ay kinakailangang pumirma sa isang kasunduan, saka ito ipapangalan sa kaniya, siya rin ang mag-aalaga at magbabantay nito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s