DTI-Palawan, pangungunahan ang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month 2016

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Okt 05 (PIA) — Pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) – Palawan ang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month 2016 sa lalawigan.

Ang mga ahensiyang katuwang ng DTI sa pagpapatupad ng Republic Act 7394 o ang Consumers Act of the Philippines ay ang Department of Agriculture (DA), Department of , Education (DepEd), Department of Health (DOH), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga lokal na pamahalaan sa Palawan.

Ngayong taon ang tema ng Consumer Welfare Month ay ‘Consumer Protection: A Shared Responsibility”.

Ilan sa mga aktibidad na gaganapin kaugnay ng pagdiriwang na ito ay ang pagkakaroon ng Consumer Advocacy Caravan sa iba’t-ibang eskuwelahan sa Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Magkakaroon din ng DTI Quiz Bee sa Oktubre 06, 2016 na gaganapin sa isang hotel dito sa lungsod. Lalahukan ito ng mga mag-aaral sa Grade 10 ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan. Ang magwawagi dito ay ilalaban naman sa Regional Competition sa Kamaynilaan sa Oktubre 17.

Upang patuloy naman na mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan ay magsasagawa din ang DTI-Palawan ng Fair Trade Laws (FTL) at Price Monitoring.

Ayon kay DTI-Palawan Provincial Director Rosenda Fortunado, buwanan ang ginagawang price monitoring ng kanilang ahensiya. Tinitiyak nito na may sapat na dami ng produkto ang nasa pamilihan na nasa tamang presyo at abot kaya ng mga mamamayan.

Patuloy rin ang enforcement activity ng DTI-Palawan upang matiyak na ang mga karapatan sa kaligtasan ng mga mamimili ay naisasakatuparan.

Inihayag pa ni PD Fortunado na sa taong ito ay nasa 17 mga establisyemento na ang nabigyan ng babala at 23 ang nakasuhan ng DTI sa paglabag sa Price Tag Law at Product Standadrd Law”. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s