Tagalog news: VP Robredo, nakahandang tumulong sa mga katutubo ng bayan ng Pola

CALAPAN, Oriental Mindoro, Oktubre 4 (PIA) – Nakahandang tumulong ngayon ang tanggapan ni Bise-Presidente Leni Robredo sa mga mamamayan ng Pola partikular sa mga katutubong Tadyawan na naninirahan sa Brgy. Tiguihan, Pola na kanyang binisita kamakailan lamang. Ang Brgy. Tiguihan ay isa lamang sa mga malalayong komunidad ng mga Mangyan sa lalawigan na hindi pa naaabot ng mga tulong mula sa pamahalaang nasyunal.

May limang kilometro ang layo nito mula sa bayan ng Pola. Kasama sina Gob. Alfonso V. Umali, Jr. at Pola Mayor Leandro Panganiban, nilakad ng grupo ni VP Robredo ang may 750 metrong daang pataas patungo sa nabanggit na barangay. Sa maikling programang inihanda ng mga taga-bayan, mensahe ng bise presidente ang suporta at pagtulong ng kanyang tanggapan na maipagkaloob sa mga katutubo ang mga ipinaabot na kahilingan ng mga ito.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga taga-barangay kay VP Robredo sa pagsisikap niyang personal na alamin ang kanilang mga kahilingan at sa pagbibigay sa kanila ng panahong mabisita sila nang personal ng ikalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Kasunod na pinangunahan nina Robredo at Mayor Panganiban, saksi si Gob. Umali at iba pang mga punumbayan ang ribbon cutting ng pinasinayaang P2M milyong halaga ng gusali na bagong public market ng Pola. Sinundan ito ng programa sa plaza ng Pola kung saan nagtipun-tipon ang mga mamamayan, mga punumbayan, empleyado ng Pamahalaang Bayan, mga opisyal mula sa Department of Education (DepEd), Senior Citizens, Barangay Officials, mga mag-aaral, at iba pang konsernadong grupo at indibidwal. Sa kanilang mensahe kapwa binigyang-diin nina Bise-Presidente Robredo at Gob. Umali ang kanilang malaking pagsuporta sa mga mamamayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s