Tagalog news: PDEA Mimaropa, puspusan ang kampanya laban sa iligal na droga

PUERTO PRINCESA, Palawan, Oktubre 4 (PIA) — Magkakasunod na Drug Free Workplace Symposium ang isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa sa mga eskuwelahan at opisina ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Puerto Princesa at Palawan, bilang bahagi ng pina-iigting na kampanya ng Pambansang gobyerno laban sa iligal na droga.

Layon ng gawain na masugpo ang ipinagbabawal na gamot sa mga nasa hanay ng gobyerno o pribadong sektor at mai-angat ang kamalayan ng bawat mamamayan patungkol sa masamang epekto nito sa lipunan.

“Hangad po ng ating pamahalaan na maiwasan na ang insedente ng pagamit ng droga sa pribado man o pampublikong mga opisina kaya halos lahat po ng mga ahensya na mas makabubuti pong mabigyan ng leksyon ukol dito”, ani Gracel Lano, public information officer at hepe ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) ng PDEA-Mimaropa.

Sa halos sunod-sunod na aktibidad ng ahensya, nakadalo ang tropa ng mga sundalo mula sa Marine Battalion Landing Team (MBLT-4) sa bayan ng Roxas at 3rd Marine Brigade sa Barangay Tiniguiban ng lungsod maging ang mga empleyado ng Palawan Electric Cooperative, Inc. (Paleco).

Kamakailan ay dinayo rin ng PDEA ang iba’t ibang opisina ng pamahalaang lungsod kung saan dumalo ang mga tauhan ng City Human Resource Management Office (HRMO), City Environment and Natural Resources Office (ENRO), Register of Deeds , opisina ng Sangguniang Panlungsod Secretary, Administration, Legal , Accounting at Budget Offices.

“Humiling po si Mayor Bayron sa aming ahensya na magkaroon ng ganitong seminar bilang suporta umano ng city government sa layunin ng ating Pangulong Duterte”, dagdag pa ni Lano.

Katuwang ng PDEA sa pusupusang kampanya ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Task Force Banat (TFB) ng city government.

Samantala, kasabay nito, nagpapatuloy din ang pagsasagawa ng Barangay Drug Clearing Operation ang City Police Office (CPO) katuwang ang PDEA sa pamamagitan ng inisyatibo ng City Government sa pamamagitan ng TFB.

Dito hinihikayat ng mga otoridad ang mga mamamayan maging ang mga opisyal ng barangay na makiisa sa kampanya ng gobyerno kontra droga, kasabay ng pagtalakay sa masamang epekto nito sa lipunan.

Prayoridad ng grupo na unang mapasok ng operasyon ang mga malalayong barangay na may maliit na kaso ng iligal na droga hanggang sa tuluyang maging ligtas ang komunidad.

Ilan sa mga barangay na natapos nang pagkalooban ng leksyon ang Binduyan, Langogan, Concepcion at Buenavista. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s