Tagalog news: 8M halaga ng laboratory equipment, inilagay na sa Romblon Provincial Hospital

ODIONGAN, Romblon, Oktubre 4 (PIA) — Layuning makapaghatid ng maayos na serbisyong medikal sa mga taga-Romblon ang Panlalawigang Ospital sa bayan ng Odiongan kaya ay mayroon na itong mga bagong laboratory equipment na nagkakahalaga ng halos walong milyong piso.

Sinabi ni Gov. Eduardo C. Firmalo na upgraded at makabago ang mga medical facilities pasilidad lalo na sa laboratoryo ng Romblon Provincial Hospital (RPH).

Sa pagtaya ng gobernador, ang mga bagong laboratory equipment na ininstall sa RPH noong nakaraang araw ay nagkakahalaga ng mahigit P7-8 milyong piso ang halaga.

Ilan sa mga equipment na nadagdag ay isang Enzyme-linked immunosorbent assay o ELISA machine, Blood Chemistry Analyzer, fully automated Hematology Analyzer at Electrolyte Analyzer.

Ayon kay Dr. Benedict Anatalio, chief of hospital, inaasahan din nila ang pagdating ng ilan pang equipment katulad ng HbA1c, Coagulation machine at ABG’s sa susunod na buwan.

Kapag nakompleto na aniya ang mga kagamitang medikal at ipa pang pasisildad sa Romblon Provincial Hospital (RPH) ay mas nakapaghahatid pa ito ng magandang serbisyo sa mga pasyenteng umaabot ng mahigit 3,000 kada buwan.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s