Tagalog news: PNP, nagsagawa ng drug symposium sa bayan ng Pola

CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 30 (PIA) – Isang symposium hinggil sa ipinagbabawal na droga ang isinagawa ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang pamahalaang lokal sa mahigit 500 mga tulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Pola kamakailan.

Dumalo sa nasabing symposium sina Pola Mayor Leandro Panganiban, Jr., Vice Mayor Jennifer Cruz, Police Senior Supt. Gilberto Cruz, Police Senior Supt. George Medina, Police Supt. Joseph Talento, mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Pola at iba pang opisyales ng pamahalaang lokal at nasyunal.

Ang programa ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na sugpuin ang mga ipinagbabawal na gamot sa buong bansa sa loob ng anim na buwan lamang. Matatandaang ang usapin sa shabu at bawal na droga ay talamak sa lipunan bago pa man siya naging Pangulo ng Pilipinas.

Ang direktiba ay mahigpit na ipinatutupad ng PNP at ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Simula nang ilunsad ang operasyon na tinaguriang Tokhang (katok bahay) at Double Barrel ng kapulisan, mayroon nang 425 users at 170 pushers ng shabu ang kusang loob na sumuko sa awtoridad sa bayan ng Pola.

Ayon kay Police Chief Inspector Aldwin Reyes Santos, dahilan sa boluntaryong pagsuko sa kasalukuyan ay maayos at zero casualty pa rin ang naturang operasyon.

Hinamon naman ni Supt. Cruz bilang kinatawan ni Police Director General Ronald Dela Rosa ang mga taga-Pola na bagama’t nagkasala sa lipunan, ay mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na linisin ang kanilang pangalan at bigyan ng pagkakataong makapag-bagong buhay sa tulong ng mga programa ng mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman dito.

Sa kaugnay na balita, nauna na rito na nagkaloob ng mga wheel chair para sa mga may kapansanan sa bayan ng Pola ang tanggapan ni Supt. Cruz at ang Department of Health (DOH).

Samantala, binigyan din ng mga regalo sa pangunguna ni Vice Mayor Cruz ang mga senior citizen na dumalo sa programa, kasabay ng pagkakaloob ng birthday cake para sa mga miyembro ng mga katandaan na nagdaraos ng kaarawan sa buwan ding iyon. (CPRSD/LTC/PIA-MIMAROPA/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s