Tagalog news: 13 bagong bombero, nadagdag sa hanay ng BFP-Romblon

ROMBLON, Romblon, Setyembre 30 (PIA) — Labintatlong bagong bombero ang nadagdag sa hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Romblon kung saan ang mga ito ay itatalaga sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan.

Ayon kay Fire Chief Inspector Donald P. Rodriguez, ang mga bagong recruit na miyembro ng tanggapan ng pamatay sunog ay 11 lalaki at dalawang babae.

Ang mga munisipyo na mayroong regular na sangay ng BFP ay ang mga bayan ng Romblon, Odiongan, Calatrava, San Andres, Looc, Alcantara, San Agustin, Sta. Maria, Magdiwang at San Fernando.

Kung tutuusin aniya ay kulang pa rin ang karagdagang 13 kawani ng BFP Romblon upang malagyan ng tauhan ang pito pang bayan sa lalawigan.

Ang pitong bayan na walang regular fire station ay ang mga bayan ng Ferrol, Santa Fe, Cajidiocan, Concepcion, Corcuera, Banton at San Jose ngunit mayroon naman umanong Fire Prevention Office na pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan umano ay mayroong 15 fire truck na nakahimpil sa iba’t ibang bayan na maaring rumesponde sa panahon ng sunog.

Ang mga bayan na mayroong tig-dalawang fire truck ay Cajidiocan, Romblon, Looc at Odiongan samantalang mayroon naman tig-isang fire truck ang mga bayan ng Magdiwang, San Fernando, San Agustin, Calatrava, San Andres, Alcantara at Santa Fe. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s