Tagalog news: Provincial Consumer Quiz Bee 2016, ginanap sa Corcuera, Romblon

CORCUERA, Romblon, Setyembre 29 (PIA) — Ang Department of Trade and Industry (DTI)-Romblon ay nagsagawa ng Provincial Consumer Quiz Bee sa Mabini National High School sa bayan ng Corcuera kamakailan.

Ito ay dinaluhan ng 18 pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan taglay ang tema ngayong taon na ‘Consumer Protection: A Shared Responsibility.’

Ang mga itinanghal na panalo ay ang mga sumusunod: Champion – Alvin Fajiculay ng Corcuera National High School, 1st Runner-up Kierby Royce Falcunitin ng Mabini National High School at 2nd Runner-Up –Keana Pastor ng Looc National High School.

Ang mga tumayong hurado sa nasabing tagisan ng talino ay sina DepEd representative Mr. Rudy Fallurin, principal ng Mangansag Elementary School, DTI Provincial Caretaker Mr. Orville F. Mallorca at Consumer Welfare Division Officer in Charge Ms. Gina M. Maaño.

Hinikayat ni Mallorca ang lahat ng mamamayan sa Corcuera lalo na ang mga kabataan na maging maingat at responsableng mamimili. Pinaalalahanan din nito sa mga motorista ang tamang paggamit ng helmet lalo pa at sa sunod sunod ang balitang aksidente sa motorsiklo.

Gayundin, ipinaliwanag din ni Mallorca ang dulot sa pamimili at ibig sabihin ng bagong labas na proklamasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Proclamation No. 55: Declaring a State of Emergency on Account of Lawless Violence in Mindanao.

Ibinihagi din nito kung paano napagtagumpayan ng kinatawan o contestant ng Romblon na nagmula sa Mabini National high School ang pinakamataas na medalya sa Regional Quiz Bee noong nakaraang taon. (MHF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s