Tagalog news: Mamamayan ng Puerto Galera, benepisyaryo ng KPSM Serbisyo Ora Mismo

CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 29 (PIA) – Nagsagawang muli ng serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng Puerto Galera ng regular na ‘Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM)-Serbisyo Ora Mismo’.

Iba’t ibang serbisyong panlipunan tulad ng medical at dental at iba pang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan ang libreng naibigay sa mga mamamayan ng Puerto Galera.

Sa serbisyong medikal na isinagawa sa Puerto Galera Hospital, 509 na mamamayan ang nabigyan ng libreng konsultasyon.

Sa pamamagitan naman ng mobile dental clinic, 450 ang libreng na-check up at nabunutan ng ngipin, 165 ang napakain sa libreng soup kitchen, 741 nabigyan ng libreng gamot, 180 ang naging kliyente ng PhilHealth.

Mula naman sa Education and Employment Services Division (EESD), 19 na set ng sports materials ang naipagkaloob sa pamamagitan ng Provincial School Board habang 13 barangay ang nabigyan ng sports equipment ng Special Concerns Division (SCD).

Nagsagawa naman ang Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO) ng film viewing tungkol sa produksyon ng seafood snacks at namigay din ng Gabay sa Negosyo brochure sa 24 na katao.

Mayroon ding walong indibidwal ang sumangguni sa Provincial Legal Office (PLO) tungkol sa pagresolba ng iba’t ibang kaso at usaping legal. Nasa 13 barangay ang nabigyan ng butong pananim ng Provincial Agriculturist’s Office samantalang 600 forest seedlings naman ang naipamahagi ng Environment and Natural Resources Office. Sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (ProVet), 52 mga hayop ang nabakunahan kontra-rabies, kabilang na rito ang mga alagang pusa at aso na kinapon. Dito ay naging katuwang ng ProVet ang mga doktor mula sa lalawigan ng Marinduque.

Samantala, mayroon namang 65 katao ang lumahok sa symposium ng isinagawa sa lugar ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa anti-drug campaign ng pamahalaang nasyunal.

Ang KPSM Serbisyo Ora Mismo ng kapitolyo ay nakasentro sa konsepto ng mabilis at agarang paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan ng iba’t ibang dibisyon ng Pamahalaang Panlalawigan at mga ahensya ng pamahalaang nasyunal sa mga mamamayan sa lahat ng bayan sa lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s