Tagalog news: Higit Php19 M, tinanggap ng mga magsasaka ng San Jose, Occ Min

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 29 (PIA)— Umabot sa P19,740,000 ang kabuuang halaga na napunta sa mga magtatanim ng tabako ng bayan ng San Jose, ayon kay Municipal Treasurer Ricarte Aguilar.

Ito ay matapos tumanggap ang may 1316 magsasaka ng P15,000 bawat isa kamakailan sa San Jose Municipal Gymnasium, bilang tulong pinansyal para sa kanilang produksyon ng tabako.

Nagmula ang pondo sa 2013 Tobacco Excise Tax na nagkakahaga ng higit P30 milyon.

“Ang ibinigay ng pamahalaan na tobacco excise tax ay bahagi ng municipal government para sa produksyon ng tabako. Ang pag gastos naman nito ay para sa kapakinabangan ng mga magtatanim ng tabako”, paliwanag ni Aguilar.

May nakalaan ding pondo para sa farm-to-market roads na nagkakahalaga ng P10,765, 641.

Ilalagay ang mga proyektong ito sa ilang barangay sa San Jose tulad ng Batasan, Murtha, Camburay, La Curva, Magbay, Mabini, San Isidro, Monteclaro, Central, Mapaya, San Agustin at Bayotbot, Sa kasalukuyan ay ipinoproseso na ang mga proyektong ito.

Tumanggap naman ng halagang P260,000 ang Samahan ng mga Magtatabako ng Kanlurang Mindoro (Samakami) bilang ‘Financial and Livelihood Assistance’.

Samantala binigyan ng pagkilala si Violeta Gayona, Tobacco Production and Regulation Officer ng National Tobacco Administration (NTA), sa kanyang patuloy na ibinibigay na tulong at suporta sa mga magtatabako sa lalawigan. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)

a1f1dced00728bf5d21b6913aed5c46a

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s