Listahanan: gabay para sa plano sa kapakanan ng mga solo parent

September 29, 2016
May mga programa ang pamahalaan para sa mga solo parent.

Kabilang sa mga programa ang mga serbisyong may kinalaman sa kabuhayan, pagpapakabihasa ng kakayahan, benepisyo sa pamamasukan, pabahay at mga pangkalusugang proyekto.

Ang mga solong magulang o solo parent ay mga taong bumabalikat ng pagtataguyod ng pamilya o ang mga taong nagbibigay ng kalinga ng magulang o suporta sa bata o mga anak alinsunod sa paglalarawan ng Republic Act No. 8974 o mas kilala bilang Solo Parents’ Welfare Act of 2000.

Isa sa mga batayan o gabay para matukoy ang mga maralitang solong magulang na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan ay ang datos ng Listahanan.

Ang Listahanan ay isang mekanismo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tukuyin kung sino at saan naroon ang mga mahihirap.

Mula sa 569,000 pamilyang sinuri sa Mimaropa, 207,863 ang natukoy na mahihirap.

Magagamit ang datos ng Listahanan sa paggawa ng mga programa at maging sa paghahanda bago magpatupad ng mga proyekto para sa mga kapus-palad na kababayan kabilang na rito ang mga bata, senior citizen at mga may kapansanan at siyempre ang mga solong magulang na maliliit ang sahod.

Halimbawa, inorganisa ng DSWD ang Mimaropa Solo Parents Employees Association para palawakin ang kamalayan ng kanilang mga kawani hinggil sa kapakanan at karapatan ng mga solong magulang at ng kanilang mga anak.

Bukod dito, naglaan ang Kagawaran ng P10,000 bilang tulong pangkabuhayan para sa mga kwalipikasyong solong magulang.

Mababasa sa baba ang ilang datos tungkol sa solong magulang o solo parents.

Batay sa 2015 Listahanan, ang Mimaropa may 69,646 (2.7 porsiyento) ng may 2,573,992 kataong sinuri na nagpakilalang mga solong magulang.

Mula sa nasabing bilang, karamihan sa mga solo magulang ay mga babae (71 porsiyento) at may 22,604 (1.9 porsiyento) solo parent ang nagsabing sila ay mahirap.

Nakarehistro rin sa Listahanan ang may 13,636 mahirap na solo parent na nagsabing sila ang pader de pamilya samantalang may 2,238 ang hindi nakumpleto ng kahit anong antas ng edukasyon.

Pagdating sa kanilang katayuan, may 9,755 (43.2 porsiyento) na mahirap na solo parent na nagpakilalang balo; 6,000 (26.5 porsiyento) ang hiwalay sa asawa at 4,296 (19 porsiyento) ang nagsabing sila ay single (dalaga’t binata).

Ang mga mahirap na solong magulang—nagkakaedad ng 35 hanggang 44 taong gulang— ay matatagpuan sa mga sumusunod:

Ang Oriental Mindoro ay mayroong 6,057 mahirap na solong magulang; 3,478 sa Occidental Mindoro; 1,661 sa Marinduque; 2,813 sa Romblon; at 8,595 sa Palawan.

Ang Puerto Princesa City ay may pinakamaraming bilang ng mga solong magulang na may 1,700, sinundan ng San Jose, Occidental Mindoro na may 1,036 at pumangatlo ang Narra, Palawan na may 672.

Sa mga barangay naman, nanguna ang Barangay Panatayan ng Mansalay Oriental Mindoro na may155 solong magulang.

Sumunod ang dalawang barangay sa Palawan: Barangay Bancalaan, Balabac na may 152 solong magulang at Barangay Sicsican sa Puerto Princesa City na may 124.

Para sa karagdagang detalye ng Solo Parents’Welfare Act, silipin ang impormasyon sa URL na http://bit.ly/1JOyJ8L at http://bit.ly/1QePbBz. (LP/PIA4B)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s