Tagalog news: National Museum, tinanggap ang 1.5 ektaryang lupaing donasyon mula Fabicon family

BANTON, Romblon, Seteyembre 28 (PIA) — Aabot sa 1.5 ektaryang lupain na may kasamang gusali ang kusang ipinagkaloob ng pamilya nina Ismael at Eleanor Fabicon sa National Museum of the Philippines kamakailan.

Ang lupain at lumang bahay ng mga Fabicon ay kanilang minana pa umano sa mga magulang na sina Luis at Felipa Fabicon.

Ang pag-donate ng nasabing lupa at pagaari ay makakatulong upang mapreserba ang historical at heritage sites ng Banton Island maging ang mga kweba at ‘material culture’ sa nasabing bayan.

Ang National Museum of the Philippines ay magtatayo ng museum at field station sa lugar para makatulong sa pag-conserve ng natural at built heritage sa naturang isla kabilang ang lumang moog ng tanggulan (fort) at watchtowers.

Tanyag ang Banton Island sa lalawigan ng Romblon dahil sa mayamang kasaysayan nito kung saan kinilala ng National Museum of the Philippines ang Guyangan Cave System bilang important cultural property at Ikat Burial Shroud na ngayon ay isa ng national cultural treasure.

Ang turn-over ceremony ng mga dokumento ay dinaluhan ng mga opisyal ng National Museum of the Philippines, kinatawan ni Governor Eduardo Firmalo na si Myla Villegas, Kharen Fortu ng Uswag Bantoon, Director James Fadrilan ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Mimaropa, Decoroso Fadri ng ASCCA at dating Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Nicon Fameronag.

Nagpapasalamat naman ang National Museum of the Philippines sa pamilya Fabicon dahil sa ibinigay nila para sa bansa at pagtitiwala sa kanilang tanggapan.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s