Tagalog news: Konsehal mula bayan ng Romblon, nahirang na pangulo ng Phl Councilors League

ROMBLON, Romblon, Setyembre 28 (PIA) — Naihalal bilang pangulo ng Philippine Councilors League (PCL) – Romblon si Sangunian Bayan member na si Virgilio C. Maulion mula bayan ng Odiongan sa ginanap kamakailan na 9th Philippine Councilors League (PCL) Romblon Provincial Election at General Assembly.

Ang eleksiyon ay isinagawa sa Dream Paradise Mountain Resort Brgy. Mapula , Romblon, Romblon, na dinaluhan ng 151 Sangguniang Bayan Members ng lalawigan, kabilang ang mga Association of Barangay Captain (ABC)-President mula sa 17 munisipyodito.

Nanalo si konsehal Maulion sa boto na 82. na may kalamangang boto na 31 sa malapit nitong katunggali na si SB Member Ma. Rhosarian S. Lim ng bayan ng Romblon na nakakuha ng 54 boto.

Ang iba pang kandidato sa pagka-pangulo ng liga ay sina SB Members Jose Luis S. Morales ng bayan ng Alcantara, SB Member Herminio R. Mortel ng bayan ng Cajidiocan, SB Member Virgilio C. Maulion ng bayan ng Odiongan at SB Member Ma. Rhosarian S. Lim ng bayan ng Romblon.

Ang Department of Interior and Local Government (DILG)-Romblon at PCL National chapter ang nangasiwa sa naganap na eleksiyon. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s