Tagalog news: Alay Lakad 2016, isasagawa sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 28 (PIA) – Muling isasagawa ang taunang Alay Lakad sa darating na Biyernes, Setyembre 30 sa lalawigan.

Ito ay pinangangasiwaan ng Alay Lakad Foundation, Inc. sa pakikipagtulungan ng mga pamahalaang lokal at nasyunal, gayundin ang pribadong sektor. Ang Alay Lakad na gagawain ay nasa ika-44 na nitong taong aktibidad na may temang “Alay Lakad – May Pag-asa ang Kabataan”.

Dahil dito, inaanyayahan ng pamahalaang panlalawigan ang lahat na lumahok sa gawain. Inaasahan ang lahat na magkita-kita, ganap na ika-apat ng umaga sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo sa Setyembre 30, eksaktong 5:00 n.u., sisimulan na ang paglalakad na dadaan sa mga barangay ng Lumangbayan (sa may Xentro Mall patungong Development Bank of the Philippines), Ilaya (Sto. Niño Cathedral) at babagtasin ang kahabaan ng J.P. Rizal St. at magtatapos muli sa Bulwagang Panlalawigan sa kapitolyo.

Ang mga lalahok ay maaaring magsuot ng T-shirt na puti at maong na pantalon o t-shirt na uniporme ng kani-kanilang ahensya o tanggapan. Matapos ang paglalakad, magkakaroon naman ng ‘Hataw ng Bayan’ na susundan ng maikling programa at raffle draw. Makakatanggap ng special award ang “most organized group”. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s