SLPRSD: Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon, uulanin

Lungsod Quezon, Ika-28 ng Setyembre (PIA) —Tinataya ng South Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na makakaranas ang Oriental Mindoro na maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pulo-pulong pagkulog-pagkidlat mula ngayon hanggang bukas ng hapon.

Babala ng SLPRSD: ang mga sitwasyong ito ay maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa kaya pinag-iingat ang mga taga-Oriental Mindoro.

Samantala ang Marinduque, Romblon, Kabikulan at Northern Samar naman ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan at pulo-pulong pagkulog-pagkidlat.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral habang ang karagatan ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. (LP)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s