Habagat magpapaulan pa rin sa Mimaropa

LUNGSOD QUEZON, Ika-28 ng Setyembre (PIA) — Wala na sa bansa ang Bagyong Helen ngunit nagagawa pa rin nitong palakasin ang Habagat at magpaulan sa Mimaropa.

Dahil sa mahina hanggang kamatamtamang pag-ulan na inaasahan ng DOST-Pagasa sa rehiyon, nagpalabas ang Office of Civil Defense-Mimaropa ng listahan ng mga ilog at daluyan na maaring maapektuhan.

Kung maghapon nang umuulan sa inyong lugar, tulad sa dako ng Tablas, pinapayuhan ang mga kababayan na matyagan ang mga sumusunod na lugar at gawin ang kaukulang paghahanda o pag-iingat.

Sa Palawan: Abongan, Lian, Barabakan, Rizal, Caramay, Langogan, Babuyan, Bacungan, Iwahig Penal, Inagauan, Aborlan, Malasgao, Apurauan, Baton-Baton, Aramayawan, Ihawig, Panitian, Pulot, Lamkan, Kinlugan, Eraan, Tiga Plan, Malabangan, Ilog, Bansang, Conduaga, Culasian, Iwahig (Brookes), Okayan, Canipan at Busuanga, Coron.

Sa Oriental Mindoro: Malaylay-Baco, Pulang Tubig, Mag-Asawang Tubig, Butas, Pula, Agsalin, Bansud, Sumagui, Bongabon, Baroc, Bulalacao at Balete.

Sa Occidental Mindoro: Abra De Ilog, Cagaray, Labangan, Magbando, Lunintao, Anahawin, Mongpong, Amnay Pola, Pagbahan, Mamburao at ibod.

At sa Tawiran-Tagum at Boac sa Marinduque.

Pinapayuhan din ng OCD-Mimaropa ang mga kababayan na naninirahahan sa mga dalisdis at mga mababang lugar na maging maingat din. (LP)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s