Tagalog news: LGU Odiongan, paiigtingin ang pagpapatrolya sa karagatang sakop nito

ODIONGAN, Romblon, Setyembre 26 (PIA) — Paiigtingin ng pamahalaang bayan ng Odiongan ang pagpapatrolya ng mga miyembro ng Bantay Dagat sa karagatan at baybayin na kanilang nasasakupan upang mapangalagaan ito laban sa ilegal na pangingisda.

Kaugnay nito, apat na bangkang de motor ang ipinagkaloob ng LGU Odiongan sa mga miyembro ng Bantay Dagat sa Bgy. Poctoy, Bgy. Batiano, Bgy. Gabawan at Bgy. Tumingad na kanilang magagamit sa sea patrolling.

Sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na ang hakbang na ito ng pamahalaang bayan ng Odiongan ay naglalayong maproteksiyonan ang mga karagatang nasasakupan nito at hindi maabuso ang pangisdaan.

Tiniyak din nito na magbibigay sila ng fiberglass boats sa mga Barangay ng Libertad, Budiong at Canduyong na magagamit nila sa turismo at pagpapatrolya.

Maaari rin aniyang gamitin ng mga miyembro ng bantay dagat sa pangingisda ang mga bangkang de motor upang kumita ang mga ito o magkaroon ng hanapbuhay.

Pinayuhan din nito ang mga tumanggap ng bangkang de motor na pagyamanin at ingatan ang naturang gamit upang mapakinabangan nang matagal.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s