Tagalog news: Kawayan at uraro, mga potensyal na produkto ng OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 26 (PIA) – Tinitingnan ngayon ng pamahalaang panlalawigan, katuwang ang Department of Science and Technology (DOST) at iba pang konsernadong ahensya ng pamahalaang nasyunal, ang pagtutok sa potensyal ng mga produktong kawayan at uraro sa Oriental Mindoro.

Ito ay matapos bumisita at makipagpulong si DOST Secretary Fortunato T. Dela Peña sa ilang mga opisyal at pinuno ng iba’t ibang tanggapan sa Kapitolyo kamakailan kasama ni Sec. Dela Peña si DOST Mimaropa Regional Director Ma. Josefina Abilay at ang mga kasapi ng Regional Technical Evaluation Committee ng rehiyong Mimaropa.

Sa pakikipagpulong ng grupo kay Provincial Administrator Nelson Melgar, kinatawan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., binigyang-diin ni Melgar na ang kawayan na matatagpuan sa lalawigan ay isa sa mga natatanging species sa Pilipinas sapagkat halos lahat ng bahagi nito ay napakikinabangan. Nagagawa rin ito ngayong charcoal briquette.

Partikular na tinukoy dito ang “Bagtok”, isang variety ng kawayan na magandang paramihin sa lalawigan. Ito anila’y ginagamit ng mga katutubong Mangyan at mainam na gamiting materyal sa paggawa ng mga muwebles at musical instruments.

Nakahanda, anila, ang kanilang hanay na magbigay ng pagsasanay ukol dito. Samantala, kasunod na tinukoy ng mga ito ang pangangailangan sa suplay ng uraro. Handang bilhin ng DOST Regional Technical Evaluation Committee ang mga produkto, partikular ng lalawigan ng Marinduque sa pamamagitan ni Emelita Tejano.

Sampung taon simula sa pagkakatanim, ang uraro ay maaari nang anihin. Isa itong lamang-ugat na climate resilient na maaaring pagkakakitaan ng mga Mindoreño. Hinikayat din ng grupo ang paggamit sa tubig-ulan bilang pandilig sa halaman.

Sa maraming water freeflow sa lalawigan, naaakma rito ang aquaculture kung saan magandang mag-breed ng tilapia, isang climate resilient na isda na matatag sa papalit-palit na klima ng mundo. Binigyang-halaga naman ni Sec. Dela Peña ang research and development ng mga produkto sa lalawigan. Isinama na rin ng Kalihim ang programang pagpaparami ng mga alternatibong gamot at ang organikong pagsasaka. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s