OCD-Mimaropa: habang nasa bansa pa ang Bagyong Helen, mga ilog dapat matyagan

LUNGSOD QUEZON, ika-26 ng Setyembre (PIA) — Pag may bagyo, gaya ni Tropical Cyclone Helen, laging naapektuhan ang Habagat at nagpapadala ng ulan sa Katimugang Luzon kabilang ang Mimaropa.

Kaya naman minabuti ng Office of Civil Defense-Mimaropa na magpalabas ng listahan ng mga ilog at daluyan na maaring maapektuhan kapag pinalakas ng bagyomg Helen ang Habagat para mag-matyag at maghanda ang mga kababayan sa rehiyon.

Habang nasa loob pa ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Helen, walang masama kung naka-monitor ang mga kababayan sa mga bahain at mabababang lugar na malapit sa mababanggit na katubigan:

Sa Palawan: Abongan, Lian, Barabakan, Rizal, Caramay, Langogan, Babuyan, Bacungan, Iwahig Penal, Inaguan, Aborlan, Malasgao, Apuruan, Baton-Baton, Aramayawan, Ihawig, Panitian, Pulot, Lamakan, Kinlugan, Eraan, Tiga Plan, Malabangan, Ilog, Bansang, Conduaga, Culasian, Iwahig (Brookes), Okayan, Canipan at Busuanga, Coron.

Sa Oriental Mindoro: Malaylay-Baco, Pulang Tubig, Mag-asawang Tubig, Butas, Pula, Agasalin, Bansud, Samagui, Bongabon, Baroc, Bulalacao at Balete.

Sa Occidental Mindoro: Cagaray, Labangan, Magbando, Lunintao, Anahawin, Monpong, Amnay, Pola, Pagbahan, Mamburao at Ibod. At ang Tawiran-Tagum at ang Boac, doon naman sa Marinduque.

Sa nag-nanais tingnan ang lokasyon ng mga nabanggit na lugar, kopyahin at silipin sa browser ang link na ito: http://pia.gov.ph/gis/region.php?id=5.

Si Helen ay huling namataan ng Pagasa-DOST sa layong 610 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang ika-apat ng umaga.

Taglay ni Helen ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 185 kilometro bawat oras.

Inaasahan ng Pagasa-DOST na kikilos ang Bagyong Helen pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis 22 kilometro bawat oras.

Palaging antabayan ang babala ng Pagasa-DOST sa Bagyong Helen: ang susunod na bulletin ay mamayang ika-11 ng umaga pero oras-oras na nagpapalabas ng update ang ahensiya. (OCD-IVB/Pagasa-DOST/LP)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s