Tagalog news: Pagdiriwang ng Consumer Welfare Month sa OccMin, inihahanda na ng DTI

SAN JOSE, Occidental Mindoro Setyembre 23 (PIA)—Patuloy sa paghahanda ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month sa lalawigan ngayong darating na Oktubre.

May temang ‘Consumer Protection: A Shared Responsibility’, ang selebrasyon ng Consumer Welfare Month para sa taong ito ay pangungunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kabilang sa mga nakalinyang aktibidad ay ang Provincial Consumer Quiz bee na gaganapin sa ika-7 ng Oktubre samantalang ang kumpetisyon sa regional level ay sa ikatlong linggo ng nabanggit na buwan.

Isinasaayos din ang pagsasagawa ng Consumer Congress kung saan tatalakayin ang bagong batas na ‘No Shortchanging Act’ at iba pang mga paksa na kailangang malaman ng mga mamimili.

“Noon pa mang Hulyo ay pinasimulan na namin ang Consumer Education”, ayon kay Myrna Dawates, Trade and Development Specialist ng DTI. Ang nasabing aktibidad ay pagbibigay kaalaman hinggil sa Price Act, Price Control, Price Tag Law, Business Name Law, Consumer Rights and Responsibilities, at iba pa.

Kadalasang partisipante ng DTI dito ay ang mga magaaral sa paaralang pansekundurya dahil naniniwala ang kagawaran na aktibo ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng mensahe na nakapaloob sa consumer education.

Ang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ay bilang pagtupad sa Presidential Proclamation 1098, na naglalayong palaganapin pa ang impormasyon sa mga karapatan ng mga mamimili at ayusin ang relasyon ng mamimili, business sector at pamahalaan.

Samantala hinihikaya’t naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na suportahan ang pagdiriwang na ito. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s