Tagalog news: Maayos na seguridad sa Puerto Princesa at Palawan, tiniyak ng PNP

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 23 (PIA) — Nagtipon para sa isang pagpupulong ang mga namumuhunan sa turismo sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan kasama ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Mimaropa Regional Director, Police Chief Supt. Wilben Mayor na bumisita sa lungsod kamakailan.

Layon nito na mabigyan ng impormasyon ang mga ito kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng lalawigan at lungsod pagdating sa peace and order na ipinatutupad ng PNP katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakipagpulong ang PNP sa mga may-ari ng resort, establisyementong pang negosyo at security managers, kung saan tinalakay ni Police Chief Inspector Salvador Tabi, , chief operations and plans branch ng Pambansang Pulisya sa lalawigan ang tungkol sa banta sa seguridad ng industriya ng turismo at kung papaano ito tutugunan.

Ang nasabing pagpupulong ay isa lamang sa mga halimbawa ng tungkulin ginagampanan ng PNP at AFP upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Binigyang-diin dito ng mga awtoridad at maging ng mga kabahaging negosyante ang pagiging maagap sa pagganap ng kanilang mga responsibilidad.

Samantala, kasama sa nasabing pulong ang pamunuan ng Palawan Police Provincial Office (PPO), City Police Office (CPO), at lahat ng hepe ng himpilan ng pulisya mula sa iba’t ibang munisipyo at nasasakupan ng lungsod. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s