Tagalog news: Fire Hazard Zones sa Puerto Princesa, iinspeksiyon ng BFP

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 23 (PIA) — Magsasagawa ng pag-iinspeksiyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Puerto Princesa sa mga fire hazard zone sa lungsod.

Isa sa mga natukoy na fire hazard zone ng BFP ay ang PSU Road. Bunsod umano ito ng pagdami at pagsisiksikan ng mga kabahayan sa lugar, partikular na ang mga paupahang bahay o boarding houses dahil malapit ito sa Palawan State University (PSU) na isa sa pangunahing unibersidad sa Palawan.

Karamihan sa mga umuupa dito ay mga estudyante mula sa mga munisipyo na nag-aaral sa nabanggit na unibersidad. Ang pagsasagawa ng inspeksiyon ay kasabay ng pag-obserba ng Assembly Occupancies Fire Safety Awareness Month. Pangungunhan ito ni Fire Senior Inspector Nilo Caabay, Jr. upang masiguro na ligtas sa sunog ang nasabing lugar.

Ayon kay FSInsp. Caabay nasa 157 household ang kanilang naitala sa lugar at 62 sa mga ito ang may mga negosyo tulad ng internet cafe, sari-sari store, carenderia at paupahang kuwarto na karamihan sa mga ito ay walang kaukulang permit mula sa pamahalaang panglungsod.

Ang PSU Road sa Barangay Tiniguiban na kinatatayuan ng mga boarding house ay bahagi ng idineklarang Government Center at Nature Park sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No 16, na nilagdaan ni dating Pangulong Joseph Estrada noong Setyembre 1998.

Pagkatapos ng pag-iinspeksiyon sa lugar ay isusumite naman ng BFP-Puerto Princesa ang resulta nito sa pamahalaang lungsod para sa kaukulang aksiyon dito. Isusunod naman ng BFP-Puerto Princesa ang pag-inspeksiyon sa iba pang fire hazard zone tulad ng dalawang pamilihang bayan sa lungsod. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s