Tagalog news: Bureau of Fire Protection, nagsasagawa ng kampanya laban sa sakuna

CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 23 (PIA) – Puspusan ang isinasagawang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) laban sa sakuna sa mga mamamayan bunsod ng sunud-sunod na insidente ng sunog na nangyari sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Calapan.

Isinasagawa ng BFP ngayon ang aktibong inspeksyon sa mga establisyemento, paaralan, mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan at iba pa.

Ayon kay Fire Officer Mervyn Jef Delos Reyes, ang pangunahing layunin ng BFP ay ang fire prevention sa pamamagitan ng fire inspection na ginagawa sa lahat ng mga establisyamento.

Sa pagsasagawa ng inspection na ito, naititiyak na ligtas ang mga gusali mula sa sunog. Sinisiguro rin nila na may mga tamang lagusan sa mga naturang gusali at fire extinguisher.

Dagdag pa niya, nagsasagawa rin ng mga seminar ukol sa pag-iwas sa sunog ng mga mamamayan na kung saan ay binahaginan nila ng kaalaman ang mga mamamayan ukol sa panganib na dulot ng sunog, mga sanhi ng sunog at kung paano ito maiiwasan o mapapatay. Ayon pa kay Reyes, mas mababa ang insidente ng sunog ngayon sa Lungsod ng Calapan kumpara sa nakaraang taon.

Sa unang semestre ng 2016, nagkaroon ng limang insidente ng structural fire at isang insidente ng vehicular fire. Palatandaan na matagumpay ang patuloy na kampanya nila laban sa nakapipinsalang sunog.

Nananawagan din siya na gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga ari-arian at buhay ng pamilya. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 288-5617 o 0999-486-3113. Maaari ring magtungo sa Calapan Fire Station sa ABC Hall Building, Barangay Calero, Lungsod ng Calapan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s