Tagalog news: Bagong palengke ng bayan ng Looc, nakatakdang buksan sa Disyembre

LOOC, Romblon, Setyembre 23 (PIA) — Nakatakdang buksan sa Disyembre ang ipinatayong bagong pampublikong pamilihan sa Looc, Romblon, na karugtong ng kasalukuyang wet market na itinayo malapit sa Looc Bay.

Ayon sa ilang nagtitinda, marami na umanong interesadong nagsumite ng kanilang aplikasyon para makakuha ng puwesto sa bagong gusali.

Ilan sa mga nasunugan ay pinaglaanan na ng stall para sa lilipatang bagong tayong palengke.

Ang mga terminal ng mga pampublikong sasakyan katulad ng mga jeep at tricycle ay ililipat na rin sa bagong palengke upang doon na maghintay ng kanilang pasahero at mapaluwag ang daloy ng trapiko sa kabayanan.

Umaasa ang mga taga-Looc na sa lalong madaling panahon ay mapapakinabangan na ang bagong palengke at tuluyang pagunlad ng kanilang bayan. (AM/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s