Tagalog news: Bagong pangulo ng liga ng mga konsehal-Palawan Chapter, mula Narra

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 22 (PIA) — Nahalal bilang bagong Pangulo ng Philippine Councilors League (PCL)-Palawan Chapter si Konsehal Clarito Prince Demaala IV ng Bayan ng Narra.

Ang 9th Philippine Councilors League (PCL)-Palawan Federation Provincial Election ay isinagawa kamakailan sa Victoriano J. Fodriguez Hall sa Gusaling Kapitolyo na pinangunahan ni Provincial Director Mario C. Daquer ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Palawan.

Ang 23 munisipyo ng Palawan ay may kabuuhang 215 konsehal, kabilang ang mga Association of Barangay Captain (ABC)-President at Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR).

Nanalo si konsehal Demaala sa boto na 111, higit sa nakakuhang 103 na botong nakuha ni Kon. Helson “Benjie” Gonzales ng Bayan ng El Nido.

Naging panauhin naman sa isinagawang halalan ng PCL-Palawan Chapter si Hon. Benito Brizuela, Interim PCL National Executive Vice-President at kasalukuyang konsehal ng Lunsod ng Lucena.

Sa susunod na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ay inaasahan nang uupo bilang kinatawan ng Liga ng mga Konsehal si Demaala.

Sa kasalukuyan, tatlong pinakamataas na posisyon sa mga Liga ang hawak ngayon ng Bayan ng Narra. Ito ay ang Mayors League of the Philippines-Palawan Chapter na si Narra Mayor Lucena Demaala ang Pangulo, ang Vice-Mayors League of the Philippines-Palawan Chapter na si Narra Vice Mayor Crispin Lumba, Jr. at itong Philippine Councilors League (PCL)-Palawan Chapter na hawak ngayon ni Konsehal Clarito Prince Demaala IV. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s