Tagalog news: Philhealth, nagsagawa ng information drive sa San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon, Setyembre 21 (PIA) — Ang pamunuan ng Philhealth-Romblon ay nagsagawa kamakailan ng information drive sa bayan ng San Agustin na dinaluhan ng mga ilang miyembro ng Philhealth.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng kanilang kampanyang Philhealth ALAGA o ‘Benepisyong PHILHEALTH ALAmin at GAmitin para sa maayos na buhay’. Sa maikling programa na ginanap sa covered court ng San Agustin, nagkaroon ng open forum kung saan malayang nakapagtanong ang mga miyembro ng Philhealth hinggil sa kanilang mga claims at benepisyo mula sa nasabing ahensiya.

Nasagot naman ito ng mga kinatawan ng Philhealth, sa pangunguna ni Social Chief insurance Officer Andrew F. Famero.

Naging katuwang rin sa naturang aktibidad ang mga health workers at personnel ng Rural Health Unit-San Agustin sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dr. Deo Muleta.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Mayor Esteban Santiago F. Madrona at Vice Mayor Zaldy Marin na pinaghahandaan na ang isasagawang mass philhealth registration sa kanilang munisipyo na isasagawa sa linggong ito .(JT/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s