Tagalog news: One-Stop-Shop para sa mga OFW, ilalagay sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 21 (PIA) — Lumagda sa kasunduan kamakailan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para sa paglalagay ng One-Stop Service Center for Overseas Filipino Workers (OSSCO) kasabay ng paglulunsad ng programa sa lungsod.

Ang mga ahensyang lumagda sa kasunduan ay kinabibilangan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Puerto Princesa City Government Nakapaloob dito ang mga programang Convergence on Reintegration para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at sa kanilang pamilya.

Ayon kay Deputy Administrator Josefino Torres ng OWWA, malaking kagaanan ito para sa mga OFW hindi lang sa mga taga Puerto Princesa kundi pati sa mga nasa munisipyo ng Palawan.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong hakbang, hindi na maabala pa ng husto sa paghahanda ng kanilang mga kinakailangang dokumento ang mga nangingibang bansa, at magiging mabilisan din ang pagpapatupad ng mga programa para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Kasabay nito, mismong sina DOLE Secretary Silvestre Bello lll at DOLE Mimaropa Regional Director Alvin Villamor ang bumisita sa lungsod para sa pagpapalabas ng plano ng itatayong DOLE-Palawan Field Office sa bahagi ng City Government Center.

Dito, sama-samang lumagda rin sa isang kasunduan ang kalihim, director pang-rehiyon at si alkalde ng lungsod na si Mayor Lucilo Bayron para sa ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng siyudad na 1,165 square meters na lupang pagtatayuan ng gusali.

Samantala, nakipag-kita rin at nagpahayag ng pasasalamat kay Secretary Bello ang 50 mga dating OFWs ng lungsod na nakatanggap ng “Balik-Pinay, Balik-Pinas Program” ng OWWA. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s