Tagalog news: Mekanismo kontra-korupsyon, sinisimulan na sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Setyembre 21 (PIA) – Isang mekanismo sa integridad kontra-korupsyon ang sinisimulan nang gawin ngayon sa Oriental Mindoro.

Ang binuong ‘integrity circle’ kamakailan sa lalawigan, sa ilalim ng Integrity for Jobs (I4J) Project, ay nagsisikap maituwid ang mga maling nakagawian na sa mga transaksyon sa gobyerno noong mga nakaraang panahon.

Magsasagawa ang Divine Word College of Calapan (DWCC) ng isang survey hinggil sa obserbasyon ng mga mamamayan tungkol sa political will ng mga tanggapan sa pamahalaang panlalawigan gayundin sa mga pribadong kumpanya na malabanan ang korupsyon at maiangat ang integridad ng mga ito sa pagkakaloob ng kanilang serbisyo.

Ang DWCC ay kabilang sa mga kasapi ng ‘Integrity Circle’ sa ilalim ng Project I4J.

Ang proyekto na nasa ilalim ng mekanismong may titulong “Lider ng Mindoreño, Epektibo” ay naglalayong mapagbuti ang sistema at maitaas ang bukas na pamamahala ng pamahalaan sa ipinagkakaloob nitong serbisyo sa mga mamamayan. Magiging responder ng isasagawang survey ang multi-sectoral community sa lalawigan.

Aalamin dito ang kalakasan at kahinaan ng pamahalaang lokal sa larangan ng pagse-serbisyo sa mga mamamayan at malalaman din kung ang mga ipinagkakaloob ng programa o proyekto ay kailangan ng mga benepisyaryo nito. Ang gawain ay alinsunod na rin sa isang artikulo na nakapaloob sa Seksyon 27 ng 1987 Philippine Constitution na nagsasaad na ang estado ay mapapanatili ang pagiging tapat at may integridad sa pagserbisyo sa publiko. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s