Tagalog news: Ilang Municipal Police Stations sa Palawan, nakakuha ng parangal

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 21 (PIA) — Kasabay ng selebrasyon ng ika-115 anibersaryo ng serbisyo ng pulisya na may temang “Hamon Ng Pagbabago, Pinag-ibayong Serbisyo”, ginawaran ng parangal ng Palawan Provincial Police Office (PPO) ang mga natatanging Municipal Police Station (MPS) at tauhan na nararapat sa serbisyo at nagpakita ng kaaya-ayang pag-ganap sa kaniyang tungkulin.

May pinaka-maraming natanggap na pagkilala ang Coron Municipal Police Station na hinirang bilang nangunguna sa pagganap sa kampanya laban sa iligal na droga, panghuhuli ng mga wanted persons, at pumangalawa naman ito sa pagpapatupad ng Republic Act 10591 (Comprehensive Law of Firearms and Ammunitions).

Itinanghal naman na Outstanding Police Station sa larangan ng Police Community Relations ang Brooke’s Point MPS na nakakuha ng unang pwesto, pumangalawa ang Aborlan MPS at pangatlo ang Bataraza MPS. Ginawaran din ng parehong pagkilala ang Palawan Provincial Public Safety Company at isang Police Officer 2 Rodelph Saldajeno ng PPO, at isang Alegria Adorna ang tumanggap ng Employee Appreciation Award.

Samantala, ilan pa sa mga may natatanging pagganap sa tungkulin ang Roxas MPS na nakakuha ng ikalawang pwesto sa may pinaka magaling sa pag-aresto ng mga wanted persons, sinundan naman ito ng San Vicente MPS.

Sa larangan ng pagpapatupad sa kampanya laban sa iligal na droga, pumangalawa rin ang Bataraza MPS at sinundan ito ng Cuyo MPS.

Nasa unang pwesto naman ang Narra MPS sa pagpapatupad ng Comprehensive Law of Firearms and Ammunition at ikatlo ang Taytay MPS na tumanggap ng nasabing pagkilala.

Ang selebrasyon ay pinangunahan ni Police Senior Supt. Roade Tombaga, acting provincial director ng PPO at naging panauhing pandangal si Narra Mayor Lucena Demaala.

Kasabay nito, inilunsad din ang Narra Municipal Police Station bilang modelong himpilan ng Pambansang Pulisya. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s