Tagalog news: Bureau of Fire Protection-Palawan may karagdagang bagong 20 bombero

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 21 (PIA) — May dalawampung bagong bombero ang nadagdag sa hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Palawan ngayong taon.

Ayon kay Provincial Marshal Herald Castillo, itatalaga ang mga ito sa sangay ng BFP sa ilang munisipyo sa lalawigan. Anim sa mga bagong bomber ay babae at 14 ang lalaki.

Sa kasalukuyan ay mayroong 10 regular fire station ang Palawan kabilang na dito ang nasa lungsod ng Puerto Princesa. Ang mga munisipyo na mayroong regular na sangay ng BFP ay ang mga bayan ng Aborlan, Bataraza, Brooke’s Point, Busuanga, Coron, Cuyo, Narra, Roxas at Quezon.

Dagdag pa ni Castillo, kahit pa may karagdagang 20 tauhan ang BFP-Palawan ay kulang pa rin aniya ito upang mapunan ang iba pang fire station.

Samantala, nasa 26 lamang ang fire truck na nasa pangangalaga ng iba’t-ibang fire station at tatlo sa mga ito ay hindi na nagagamit dahil sa kalumaan at sira na habang 10 fire trucks naman ang binili ng mga lokal na pamahalaan bilang ayuda sa BFP.

Labingdalawang munisipyo pa sa Palawan ang walang regular na fire station. Ito ay ang mga bayan ng Agutaya, Araceli, Balabac, Cagayancillo, Culion, Dumaran El Nido, Sofronio Española, Magsaysay, Rizal, San Vicente, at Taytay. Ngunit ang mga nabanggit na munisipyo ay mayroon namang Municipal Fire Prevention Office na nasa pamamahala ng mga lokal na pamahalaan. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s