Tagalog news: Panlalawigang piitan ng Palawan, negatibo sa iligal na droga

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 19 (PIA) — Nagpahiwatig ng kagalakan si Palawan Provincial Jail Warden Ramon Espina matapos mag-negatibo ang nasabing piitan sa presensiya ng iligal na droga.

Sa isinagawang random inspection kamakailan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Palawan Police Provincial Office (PNP-PPPO) sa Palawan Provincial Jail Management Division (PJMD) ay walang nasabat o nakuhang iligal na droga dito.

Ayon kay Warden Espina ang pagsasagawa ng random inspection ay bilang tugon ng pamahalaang panlalawigan sa panawagan ng kasalukuyang administrasyon para sa pagpapaigting ng kampanya kontra-iligal na droga sa pakikipagtulungan ng mga law enforcement agencies sa Palawan.

Sa isinagawang inspeksyon ng mga operatiba, tanging ang mga lighters, sim cards, cellphones at ibang mga paraphernalia na gamit ng mga detenido sa loob ng bilangguan na una nang ipinagbawal ng pamunuan ng PJMD ang nakumpiska.

Bagamat naging masaya si Warden Espina sa naging resulta ng inspeksyon dahil walang naitalang kaso ng iligal na droga sa panlalawigang piitan ay hindi pa rin ito kumpiyansa sa kanyang nasasakupan. Aniya, patuloy parin ang kanilang gagawing inspeksyon sa mga selda kahit hindi nito kasama ang ibang ahensiya.

Ipinagbigay alam rin ni Warden Espina na nasa 37 ang kabuoang bilang ng selda sa panlalawigang piitan sa kasalukuyan at mula sa bilang na ito ay humigit kumulang 40 ang detenido sa bawat isang selda.

Nanawagan naman ito sa kinauukulan na matugunan na sana ang kanilang hiling na madagdagan ang pasilidad sa loob ng bilangguan partikular ang bentilasyon at karagdagang gusali.

Dagdag pa ni Warden Espina na maging ang pagpapaigting sa seguridad ng piitan ay kanilang mas hinihigpitan. Ang paggamit ng mga cellular phones ng mga detenido ay kanilang ipinagbabawal. Aniya, mayroon naman silang ipinapagamit na telepono sa mga ito sakaling kailanganin ng mga detenido.

Sa kasalukuyan ay may humigit kumulang 1,160 detenido ang nasa kustodiya ng PJMD mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan. Sa bilang na ito ay 340 ang naitala na may kasong kaugnay sa iligal na droga na paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinapaalalahanan naman ni Warden Espina ang mga detenido sa panlalawigang piitan na walang magandang maidudulot ang paggamit ng iligal na droga sa kanilang buhay. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s