Tagalog news: Defense system ng Puerto Princesa, palalakasin

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 19 (PIA) — Planong magtayo ng command post ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa, kasunod ng naganap na pagsabog kamakailan sa Night Market sa Davao City bilang isa sa mga pamamaraan ng pagpapalakas ng defense system sa lungsod.

Ito ang tinuran ni Mayor Lucilo Bayron sa ipinatawag niyang biglaang pagpupulong kamakailan kasama ang Philippine National Police (PNP) sa lalawigan at lungsod, maging ang Public Order and Safety Division (POSD) ng Pamahalaang Panlungsod.

Ang command center ang masisilbing operation ng lungsod na tatanggap ng lahat ng tawag na kinakailangang tugunan sakaling may kaguluhan o banta ng terorismo sa mga komunidad o pampublikong lugar.

Ito naman ang magbabato sa kinauukulang ahensya ng gobyerno na magbibigay ng mabilisang responde sa partikular na tawag.

Samantala, kasama rin sa mga inimbitahan sa pagpupulong ang iba pang ahensya ng gobyerno katulad ng Western Command, Aviation Security Command (AVSECOM), Philippine Ports Authority (PPA), National Bureau of Investigation (NBI), PNP Maritime, mga Punong Barangay ng lungsod at mga mall managers.

Kasunod nito, naghigpit din ng seguridad ang mga pamunuan ng paliparan at mga daungan sa lungsod maging sa pagbabantay sa mga entry at exit point ng siyudad.

Samantala, Ayon kay POSD Director David Martinez, desidido ang Punong Lungsod sa pagtatayo ng command post bilang bahagi narin ng pagpapalakas ng emergency system ng lungsod.

”Hindi na kinakailangan pang maghanap ang komunidad ng mga numero ng iba’t ibang ahensya na dapat tawagan dahil iisang linya nalang ang tatawagan at direktamenteng makararating ang impormasyon sa mga ahensya tulad ng PNP, Bureau of Fire, Kilos Agad Action Center (KAAC) kung kinakailangan ng ambulansya at iba pang serbisyo,” ani Martinez. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s