Tagalog news: Dalawang mangingisda na nawala noong Lunes, ligtas na

MAGDIWANG, Romblon, Setyembre 19 (PIA) — Nasa ligtas na kalagayan ng matagpuan ng mga otoridad ang dalawang mangingisda na taga-Magdiwang, Romblon na napaulat na nawawala simula pa noong Lunes.

Ang mga ito ay natagpuan noong Martes sa Bgy. Mataba, Aroroy, Masbate.

Ayon sa dalawa, nasiraan ng makina ang bangka nilang sinasakyan na may pangalang Matt Zyron kaya sila ay napadpad sa Masbate.

Ang dalawang mangingisda ay kinilalang sina Teolifo Diamos, 21 anyos, may-asawa at Jomar De Juan, 19 anyos, binata, pawang residente ng Sitio Tabuk, Barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon (Sibuyan Island).

Umalis umano ang dalawa noong Setyembre 12 bandang 6:00 ng umaga sakay ng bangkang may pangalang Matt Zyron na may kulay na puti at kahel kung saan tinumbok nito ang direksiyong patungong Masbate para dun mangisda subalit nasiraan ng makina ng sila’y pabalik na.

Matatandaan na agad ikinasa ng Philippine Coast Guard Sub-Station sa Magdiwang at mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng search and rescue operation ngunit nabigo kaya inalerto ng Magdiwang DRRMO ang mga karatig bayan at maging ang mga Coast Guard Stations sa ibang probinsya para mahanap dalawang mangingisda.

Sa kasalukuyan ay nasa Magdiwang, Romblon (Sibuyan island) na ang dalawa at kapiling na nito ang kanilang mga mahal sa buhay.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s