Tagalog news: Pampublikong pamilihan ng bayan ng Looc, tinupok ng apoy

LOOC, Romblon, Setyembre 16 (PIA) — Tinupok ng apoy ang pambublikong pamilihan ng bayan ng Looc, Romblon noong tanghali noong Setyembre 12 kung saan tinatayang aabot sa P5 milyon – P7 milyon ang halaga ng napinsala.

Batay sa inisyal na imbistigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Looc Station, nagsimula ang sunog sa likurang bahagi ng palengke bandang 12:20 ng hapon.

Ayon sa salaysay ng mga tindera sa naturang palengke, nakarinig umano sila ng malakas na pagsabog bago nagsimula ang sunog kung saan natupok nga ang mahigit isandaang stalls ang nakapuwesto dito.

Tumulong rin sa pag-apula ng sunog ang mga tauhan ng BFP mula sa Alcantara at Santa Fe subalit hindi na talaga naapula ang apoy dahil gawa lamang sa mga light material ang nasabing palengke.

Ayon sa BFP Looc Station, umabot sa pangatlong alarma ang sunog at pasado 2:00 p.m. na ng hapon naideklarang fire out ito at wala namang nasaktan sa insidente.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbistigasyon ng BFP Looc sa nangyaring sunog upang alamin ang totoong pinagmulan nito.

Ang mga naapektuhan ng sunog ay nakaranas na rin ng ganitong pangyayari noong taong 2009 ng masunog din ang Looc Public market. Nagpasya naman ang pamahalaang bayan ng Looc na pansamantalang ililipat sa bagong gawang public market ang mga nasunugang negosyante.

Ayon kay Vice Mayor June Gadaoni, balak ng Sangguniang Bayan members na magpasa ngayong araw ng resolution upang magdeklara ng State of Emergency.(JMF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s