Tagalog news: Mahigit 1,000 nakiisa sa coastal clean up sa El Nido, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 16 (PIA) — Mahigit sa 1,000 ang nakiisa sa ikalawang coastal clean-up program ng Palawan Bantay Turista na isinagawa sa Bayan ng El Nido, partikular sa Barangay Corong-corong kamakailan.

Ang unang coastal clean-up ng Palawan Bantay Turista ay isinagawa sa Port Barton, San Vicente nito lamang buwan ng Hulyo.

Layon ng pamunuan ng Palawan Bantay Turista na matulungan ang komunidad ng El Nido na mapangalagaan at mapanatili ang kalinisan ng kanilang kapaligiran partikular na ang mga baybayin.

Ang bayan ng El Nido ang pangunahing dinarayo ng mga turista mapa-dayuhan o lokal man dahil sa nagagandahang nitong mga isla kaya ganun na lamang ang pagpupursigi ng Bantay Turista na patuloy na mapangalagaan ang kanilisan ng nasabing lugar.

Kabilang sa mga nakiisa sa coastal clean-up ang mga estudyante at guro ng El Nido National High School, PNP-El Nido at mga mag-aaral na benepisyaryo ng Programang Pang-edukasyon para sa Palaweño ng Pamahalaang Panlalawigan, mga mamamayan at opisyales ng Barangay Corong-Corong.

Ayon kay Mayor Nieves Rosento, may sarili nang landfill area ang bayan ng El Nido at ipinatutupad na rin nila ang paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok, hindi nabubulok at ang mga basurang maaaring pang i-recycle. Hindi umano ito sabay-sabay na kinokolekta upang hindi maghalo-halo ang mga basura. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s