Tagalog news: Drug surrenderers sa bayan ng Alcantara, nagsagawa ng tree planting activity

ALCANTARA, Romblon, Setyembre 16 (PIA) — Nagsama-sama ang 37 drug surrenderers sa bayan ng Alcantara katuwang ang mga kawani ng Alcantara Municipal Police station sa pagasasagawa ng tree planting activity sa Sitio Calampay, Brgy. Madalag ng nabanggit na bayan.

Sinabi ni Police Senior Inspector Sandy F. Falcutila, chief of police ng Alcantara MPS, na bahagi ito ng mga aktibidad ng kapulisan sa bayan ng Alcantara para ma-detoxify ang mga sumuko at upang kanilang ma-monitor ang mga nasabing drug surrenderers.

Ayon kay PSInsp.Falcutila, mahigit 500 seedlings ang naitanim ng mga drug surrenderers kasama ang mga kapulisan ng Alcantara Municipal Police Station kung saan iba’t ibang uri ng fruit bearing trees ang kanilang naitanim gaya ng lansones, rambutan, saging, kape at iba pang punongkahoy na inaasahang bubunga pagkatapos ng limang taon.

Batay sa pinakahuling tala ng Romblon Provincial Police Office, umabot na sa 58 drug personalities sa bayan ng Alcantara ang kusang loob na sumuko sa pulisya kaugnay sa Operation Tokhang.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s