Tagalog news: 21 Coastal barangays sa San Jose, bibigyan ng bangka sa Oktubre

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 16 (PIA)—Tatanggap ang 21 coastal barangay sa bayan ng San Jose ng tig-iisang bangka mula sa Bottom-Up-Budgeting (BUB) Project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Oktubre.

Sa pulong na isinagawa kamakailan sa tanggapan ni Rommel Calingasan, OIC Municipal Agriculturist ng bayan ng San Jose, ang 11 sa mga barangay na ito ay magmumula sa isla ng Ilin at Ambulong. Ayon kay Calingasan, malaking tulong ang nasabing mga bangka sa mga taga-isla dahil maari itong gawing ‘transport service’ ng mga maysakit na kailangang dalhin sa ospital sa kabayanan.

“Maari ding ipaarkila (renta) ito sa mga mangingisda na walang sariling bangka”, dagdag pa ni Calingasan. Ang pondo na malilikom sa pagpaparenta ng nasabing bangka ay gagamitin sa maintenance nito.

May kabuuang P2.1 milyon ang proyektong BUB ng BFAR para sa mga mamamalakaya ng San Jose. Sa halagang ito ay ibabawas ang P1.47 milyon na halaga ng 21 bangka, ang matitirang pondo ay gagamitin sa hook line at fishnet na ipapamigay naman sa mga mangingisda.

“Sisikapin nating matapos ang paggawa ng mga bangka, isang buwan mula ngayong araw, upang mapakinabangan na agad ng ating mga benipisyaryo,” ayon pa kay Calingasan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s