Tagalog news: El Nido, Palawan mayroon nang Rescue 165 Operation Center

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 15 (PIA) — Mayroon nang Rescue 165 Operation Center ang bayan ng El Nido, matapos buksan ng pamahalaang panlalawigan ang nasabing tanggapan nito lamang unang linggo ng Setyembre. Matatagpuan ito sa Barangay Villa Libertad.

Pinangunahan ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Gilbert S. Baaco ang pagbubukas ng panibagong Rescue 165.

Ito na ang ika-walong Rescue 165 Operation Center na naitatag sa Palawan. Ito rin ang ika-limang Operation Center na binuksan sa bahaging norte ng lalawigan.

Una nang nabuksan ang OpCen sa mga bayan ng San Vicente, Roxas, Taytay at Dumaran habang tatlo na ang nabuksan sa bahaging sur ng lalawigan mga munisipyo ng Aborlan, Quezon at Brooke’s Point.

Layunin ng Palawan Rescue 165 na mailapit ang programa at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng PDRRMO sa mga mamamayan ng Palawan. Mayroong dalawang rescue ambulance at isang service vehicle ang Rescue 165 OpCen-El Nido na makakatuwang ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga emergency situations sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Dagdag pa ni Baaco na maglalagay din ng rescue boat sa nasabing bayan upang tumugon sa mga emergency sa isla.

Ang bawat Rescue 165 Operation Center ay mayroong hotline numbers na maaaring tawagan ng mga mamamayan sa oras ng emergency. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s