Nailigtas na biktima ng human trafficking sa Palawan, umabot na sa 62

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Setyembre 15 (PIA) — Umabot na sa bilang na 62 kababaihan na biktima ng human trafficking ang nailigtas ng mga otoridad sa Palawan ngayon lamang taong 2016.

Ayon ito sa ulat ni Atty. Teodoro Jose Matta, Provincial Legal Officer ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang Press Conference on Anti-Illegal Recruitment and Trafficking-In-Persons Convergence kamakailan.

Ang bilang na ito ay binubuo ng mga kababaihan na nailigtas noong Hunyo 25 (8), Hulyo 28 (8), Agosto 20 (13), Agosto 28 (4) at ang pinakamarami ay nito lamang Setyembre 4 na umabot sa bilang na 29. Ang mga nasabing kababaihan ay nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa tulad ng Ilo-ilo, Pangasinan, Cebu, Bulacan, Quezon Province, Zamboanga, Davao, Pasig at iba pang probinsiya.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga otoridad, ang mga ito ay pinangakuan umano ng trabaho sa mga bansang Malaysia, Dubai at Lebanon.

Nailigtas ang mga ito sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), PNP-Criminal Investigation and Detection Group, Bantay Palawan Task Force, Bataraza Municipal Police Station at PNP-Maritime sa mga barangay ng Rio-Tuba at Buliluyan sa bayan ng Bataraza at ang iba ay sa bayan ng Balabac.

Ang lahat ng biktima ay pinaubaya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa tamang dokumentasyon at “counselling” bago ibinalik ang mga ito sa kani-kanilang mga probinsya.

Samantala, naisampa na ang mga kasong kriminal sa mga suspek ng illegal recruitment at human trafficking sa Regional Trial Court sa lungsod ng Puerto Princesa ayon kay Atty. Matta tulad ng syndicated illegal recruitment in large scale, violation of section 6 (a) ng RA 9208, violation of section 6 in relation to section 7 (b) ng RA 8042 at iba pa. (OCJ/PIA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s