Tagalog news: Public Hearing ng IRR sa pagtatag ng TESDA Center-OccMin, isinagawa

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 14 (PIA) — Pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang public hearing para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 10815 o ang Rizal Occidental Mindoro TESDA Training and Accreditation Center Act sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose kamakailan.

Ayon kay TESDA OIC-Regional Director Edwin Andoyo, ang naturang public hearing ay kabilang sa proseso ng RA 10815. Sa naturang aktibidad ay iprinisenta ng TESDA ang IRR na ayon sa batas ay babalangkasin sa pangunguna ng TESDA katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Local Government Unit (LGU) at iba pang mga ahensya na may kaugnayan sa pagtatayo ng nasabing TESDA Center sa lalawigan.

Kabilang sa mosyon na naipasa sa public hearing ay ang mapabilang ang Occidental Mindoro State College (OMSC) at ang Association of Private and Technical- Vocational Institutions (APTVI) sa mga center board ng TESDA Center.

Nilinaw din sa pulong na magkakaroon ng maayos na ugnayan ang magiging pamunuan ng TESDA Center at ang mga pribadong paaralan na nagaalok ng mga kursong bokasyonal-teknikal. “Prayoridad nating ilagay na kurso iyong in demand at hindi iniaalok ng mga private schools,” paliwanag ni Andoyo.

Dagdag pa nito na kung sakaling may katulad ang isang kursong nais buksan ng TESDA, sisiguruhin nila na mas mataas ang antas nito. “Halimbawa may welding NC II sa isang private school sa San Jose, welding NC III ang bubuksan natin,” paglilinaw ni Andoyo.

Ipinaliwanag naman ni Representative Josephine Sato, may akda ng RA 10815, na pagkatapos aprubahan ang public hearing ay kailangang mailathala ito (IRR).

“I had a meeting with DBM (Department of Budget and Management) Secretary Ben Diokno, and I was asking if the P50 million initial funding, be included to the 2017 National Budget (Nakipagpulong ako kay DBM Secretary Ben Diokno, at naitanong natin kung ang inisyal na pondo na P50 milyon ay maiisama sa 2017 National Budget).

Ang sabi nya hahanapan daw tayo ng savings (naipon) for 2016 para makaumpisa tayo,” ayon sa Kongresista. Ang itatayong Rizal Occidental Mindoro TESDA Training and Accreditation Center, ayon sa TESDA, ay may state of-the-art-facility o may makabagong mga kagamitan. Ito ang kaunaunahang paaralan ng TESDA sa lalawigan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s