Tagalog news: Imbentaryo sa Calauit Safari Park isinagawa ng LGU Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 14 (PIA) — Nagsagawa kamakailan ng imbentaryo at assessment ang tanggapan ng Provincial Agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga pasilidad at hayop sa Calauit Safari Park na matatagpuan sa bayan ng Busuanga.

Ang Calauit Safari park ay isa sa dinarayong pook pasyalan sa Palawan, partikular sa norte ng lalawigan kaya upang patuloy na tangkilikin ang naturang parke ng mga turista ay isinagawa ang inbentaryo upang malaman ang kasalakuyang kalagayan ng mga pasilidad at mga hayop sa isla at kung ano ang mga dapat ayusin sa dinarayong pasyalan.

Ilang dekada na mula ng dalhin sa Calauit Island, ang mga hayop mula sa Africa sa inisyatibo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ang Calauit Safari Park ay itinuturing na reserve at wildlife sanctuary na may sukat na 3,700 hectares. Sa kasalukuyan, ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ay mayroong 34 zebra, 25 giraffe, 14 waterbuck, at 12 eland ang makikita sa parke.

Ang mga ito ay doon na ipinanganak at mga mga orihinal na mga hayop na nagmula sa Africa ay nangamatay na sa paglipas ng mga taon. Bukod sa mga pasilidad na kailangan palitan ay wala naman iba pang seryosong problema sa parke.

Maayos din ang kalagayan ng mga hayop ditto dagdag ng OPA. Katuwang ng OPA ang Provincial Tourism Office, Provincial Economic Enterprise Development Office (PEEDO) at General Services Office (GSO) sa isinagawang imbentaryo at assessment. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s