Environmental protection program na pinodohan ng US, inilunsad sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Setyembre 14 (PIA) — Magkatuwang na inilunsad kamakailan ng Palawan State University (PSU) at Tanggol Kalikasan ang Institute of Environmental Governance (IEG) sa pamamagitan ng pagpapalabas ng IEG marker na ginanap sa PSU Hostel sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ang IEG ay isang programa para sa mga opisyales ng lokal na pamahalaan upang magbigyan ng kaalaman sila sa tamang pangangalaga ng kalikasan at tamang pamamahala sa likas na yaman ng kanilang nasasakupan.

Ayon kay Atty. Asis Perez, in-country representative ng United States (US) Department of Interior-International Technical Assistance Program, “nahaharap sa matinding hamon o pagkasira ngayon ang kalikasan lalo na ang karagatan ng Palawan kaya nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at US na magkaroon ng ganitong programa,” ani Perez.

Sa pamamagitan ng pondo mula sa United States Department of State-International Narcotics and Law Enforcement, ang IEG ang siyang magkakaloob ng pagsasanay sa mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa lebel ng barangay, pamahalaang bayan at maging sa panlalawigan.

Sakop sa pinondohang “Environmental Justice Reform Program” ang mga munisipyo ng Balabac, Kalayaan, Rizal, Aborlan, Quezon, El Nido, Linapacan, Coron, Busuanga at Culion.

Halagang US$700,000 naman ang paunang pondong inilaan ng US Department sa programa para sa tatlong probinsiya na kinabibilangan ng Pangasinan, Zambales at Palawan na pawang nakaharap sa West Philippine Sea.

Samantala, ang programa ay dinaluhan nina PSU OIC-President Lorna Gelito, Atty. Asis Perez, US Department of State, Deputy Assistant Secretary James Walsh, Law Enforcement Programs Officer David Williams Jr. at Director Thomas Hammang Jr. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s