Tagalog news: San Jose National High School, nakatanggap ng banta nang pambobomba

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 13 (PIA) – Tumanggap kamakailan ng banta nang pambobomba o ‘bomb threats’ ang San Jose National High School (SJNHS).

Ayon kay Police Superintendent (P SUPT) Julius Bernados, Officer-in-charge ng San Jose Municipal Police Station (SJMPS), dakong 7:00 pm nang makatanggap ang kanilang opisina ng nasabing pagbabanta.

Agad nilang ipinaalam ito sa mga opisyales ng SJNHS at kasama ang Philippine Army (PA) ay nagsagawa ng inspeksyon sa loob ng paaralan mula ikawalo ng gabi hanggang ikalawa ng madaling araw.

“Kinailangan naming huminto dahil hindi rin naman mabubuksan ang lahat ng kwarto ng paaralan,” paliwanag ni Bernados. Napagkasunduan naman ng pamunuan ng SJNHS na kanselahin ang pasok ng mga magaaral sa nasabing paaralan. Muling itinuloy ang inspeksyon kinabukasan ng umaga subalit walang nakitang bomba.

Matapos ang pagsisiyasat sa SJNHS ay nagsagawa rin ng inspeksyon ang kapulisan at PA sa katabing paaralan na Pedro T. Mendiola Sr. National High School (PTMSNHS). “Nagseguro na kami na hindi isang ‘diversionary tactic’ ang bomb threats”, ayon pa kay Bernados. Tulad ng naunang paaralan, ligtas din sa bomba ang PTMSNHS.

Dahil sa pangyayaring ito, ay nagpalabas ng panawagan sa lokal na mamamahayag ang tumatayong hepe ng SJMPS. Ayon dito, kung sakaling may matatangap na kahalintulad na pagbabanta sa text ang sinuman ay maaring huwag nang ipaakalat ito at ipaalam na lamang agad sa kanilang tanggapan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pinagmulan ng nasabing ‘bomb threat’. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s