Tagalog news: Provincial aid para sa mga barangay sa Palawan, aprubado na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 13 (PIA) — Maibibigay na sa susunod na taon ang halagang P100,000 na provincial aid para mga barangay sa lalawigan ng Palawan.

Ito ang ibinalita ni First District Board Member Leoncio Ola, chairman ng Committee on Appropriations ng Sangguniang Panlalawigan sa ginanap na 2016 Liga ng mga Barangay Convention na isinagawa sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Ola, matapos aprubahan sa komite ang panukala ukol dito at mailatag sa plenaryo, maisasakatuparan na ito sa taong 2017. “Ninety-nine percent nang maire-release ang budget para sa aid to barangay,” ani Ola.

Maglalaan ng P36.7 milyon ang pamahalaang panlalawigan bilang tulong sa 367 Barangays ng lalawigan.

Gayunpaman, pinaalalahanan ng lokal na mambabatas na kinakailangan munang mag sumite ng mga plano at programa ang bawat barangay kaugnay sa paglalaanan ng ikakaloob na tulong.

“Kailangan kasing mailatag muna ng mga opisyales ng barangay ang mga nararapat na proyekto sa kanilang nasasakupan,” dagdag pa ni Ola.

Samantala, binubuo pa lamang sa ngayon ng komite na gagawa ng ang pamantayan na pagbabasehan sa pagpapatupad ng nasabing pondo.

Noong nakalipas na taon, tinutukan ng provincial aid ang programang pangkalusugan ng mga barangay. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s