Tagalog news: Panibagong ruta sa San Jose, Occ Min nakatakdang ipatupad

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Set 13 (PIA)—Nakahanda na ang panibagong ruta na ipapatupad sa bayan ng San Jose sa pagsasara ng Pandurucan Bridge sa Oktubre.

Ito ang ipinahayag ni San Jose Traffic Management Council (SJTMC) Vice Chair at Sangguniang Bayan (SB) Member Mercy Alvaran, matapos ang kanilang pulong kamakailan sa tanggapan ng SB.

Sinabi ni Alvaran na natukoy na ng Municipal Engineering Office ang tatlong posibleng alternatibong ruta.

Base sa paliwanag ni Municipal Engineer Edgar Masangkay, ang mga malilit na sasakyan o light vehicles tulad ng motor, tricycle, kotse at mga sport utility vehicles (SUVs) ay maaring dumaan sa Marsan Bridge via barangay San Roque 2.

Ang mga malalaking sasakyan tulad ng trucks, bus, elf, Public Utility Jeepney (PUJ) at Public Utility Vehicle (PUJ) ay maaring gamitin ang daan ng San Jose District Hospital via Magbay at Alpha Palay Trading sa barangay Bagong Sikat via Petron gasoline station sa barangay Labangan.

“Kailangang maging maayos ang mga alternatibong ruta upang maiwasan ang traffic congestion,” paliwanag ni Alvaran. Isinagawa na rin ng SJTMC ang mga kaukulang inspeksyon at paghahanda sa mga nabanggit na alternatibong ruta.

Nakatakda namang magpulong muli ang grupo sa ika-19 ng Setyembre upang makapagpalabas ng isang Executive Order hinggil sa pagpapatupad ng pagpapanibago ng daan, papasok at palabas ng munisipyo.

Ang Pandurucan Bridge ay kabilang sa pangunahing lansangan ng bayan ng San Jose. Sasailalim ito sa pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Ito (Pandurucan Bridge) po ay kailangan ng sumailalim sa rehabilitasyon. Lahat po ng daan sa buong lalawigan ay isinasaayos kaya’t tama lamang na maisama ang tulay ng Pandurucan,” paliwanag naman ni SB member Joel Aguilar, tagapamuno sa komite ng Imprastraktura sa Sangguniang Bayan ng San Jose.

“Hinihingi namin ang pangunawa ng mga mamamayan ng San Jose,” panawagan pa ni Alvaran. Tatagal ng isa at kalahating taon ang pagsasaayon ng nasabing tulay batay sa ulat ng DPWH. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s