Tagalog news: Pagaalis ng NFA consumer function, tinutulan ng mga magsasaka sa SAMARICA

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 13 (PIA)—Nakipagpulong sa pamunuan ng National Food Authority (NFA) ang mga lider-magsasaka ng mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan (SAMARICA) sa tanggapan ng NFA, San Jose kamakailan.

Layunin ng nasabing pulong na talakayin ang napabalitang isyu hinggil sa posibleng abolisyon ng consumer function ng NFA o ang pagaalis sa mandato ng NFA na bumili ng palay sa mga magsasaka dahil sa pagkalugi umano ng ahensya ng may P165 bilyon.

Ayon kay NFA Provincial Manager Miguel Tecson, may dalawang mandato ang kanilang tanggapan. Ang una ay ‘food security’ o ang kaseguruhan na may sapat na pagkain para sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad at ang ikalawa ay ang ‘price stabilization’.

Sa ikalawang mandato ng NFA, binibili nito ang produkto ng mga magsasaka sa halagang P17.00 kada kilo ng palay at nagbebenta sa halagang mas mababa sa itinakdang presyo ng kilo ng bigas sa merkado. “Its called subsidy. We can’t sell at a retail price of P27 for the regular milled rice and P32 for well milled rice if we are not going to give subsidy. (Ang tawag dito ay subsidiya. Hindi namin maiibenta ang regular milled rice sa halagang P27 at ang well-milled rice sa P32 kung hindi kami maglalagay ng subsidiya)”, paliwanag ni Tecson.

Inihalintulad din nito ang NFA sa Department of Public Works and Highways (DPWH), pareho lamang aniya na nagbibigay ng ‘social obligation’ ang dalawang ahensya. Tinitiyak ng NFA na mayroong abot-kayang bigas para sa mga ‘marginalized sector’. Dagdag pa niya ay ‘social service’ sa mamamayan kung kaya’t hindi dapat pagisipan na nalulugi ang NFA.

Samantala, nangangamba naman ang ilang magsasaka na kung sakaling aalisin nga ang pamimili ng NFA ng bigas sa halagang P17, ay may malaking posibilidad na presyohan ng mga pribadong mangangalakal ang kanilang produkto sa higit na mas mababang halaga.

Nangangahulugan ito ng pagkalugi at posibleng pagbagsak ng lokal na industriya ng palay hindi lamang sa lalawigan kung hindi sa buong bansa. Ayon pa sa mga lider-magsasaka, bukod sa liham na kanilang gagawin ay nakahanda silang sama-samang lumuwas upang hilingin kay Pangulong Duterte na tingnan ang magiging kalagayan ng mga magsasaka sakaling matuloy ang pagaalis sa consumer function ng NFA. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s